Nasubaybayan natin kung paan
o niya ginawang masalimuot ang buhay ni Catherine Ramirez (Claudine Barreto) sa
top-rating primetime series na Iisa Pa Lamang. Nasaksihan natin kung paano niya bitawan ang mga maaanghang na salita sa mga makapigil-hiningang eksena. Nagulat ang lahat nang ang dating aktres na tanging mapapanuod lamang sa mga
youth-oriented anthology ay sumabak sa
heavy drama program kung saan binigyan niya ng buhay ang papel ni Scarlett dela Rhea.
At sa kanyang pagbabalik, isang panibagong karakter ang bibigyan niya ng buhay. Muli, bilang bida na kontrabida. Si Angelica Panganiban bilang Rubi sa
Philippine adaptation ng Rubi (Ang Bidang Kontrabida) na unang pinalabas sa
Mexican television network Televisa noong 2004.
Subalit sa pagkakataong ito, hindi na
socialite villain ang papel na kanyang gagampanan dahil
born to privilege si Rubi. Makakatambal niya si Diether Ocampo na gaganap bilang Alejandro Cardenas. Kasama rin ang ilan sa mga pinipitagang artista ng henerasyon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Jake Cuenca, Shaina Magdayao, Cherrie Pie Picache, Kaye Abad, Nikki Gil, Erich Gonzales, Joross Gamboa, Gardo Versoza, Cherrie Gil at Alessandra de Rossi.
Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng Rubi sa ABS-CBN Primetime Bida.
No comments:
Post a Comment