Prosa. Hiraya. Obra.
u'ng nagta-trabaho ako sa Etelecare bilang customer service associate, kapag lunch break ay mabilis akong kumakain sa pantry para lamang maigugol ang mga nalalabing minuto sa Pet Society. At ang tangi kong ginagawa sa pet kong si Kuchi ay ang isapalaran ang naipundar niyang salapi sa Stadium kung saan lagi akong umuuwing luhaan. May mga pagkakataong ibenebenta ko pa ang kanyang mga kagamitan sa bahay para lamang may maipansugal. Eh paano naman kasi siya mabubuhay ng walang kalatoy-latoy ang disenyo ng bahay niya? Kaya naiisip kong magsugal sa karera. Malay mo palarin at maging instant interior designer ako ng bahay ni Kuchi.
ville. At kailan ko pa pinangarap maging magsasaka? Nakakaasar lang kaya medyo itinigil ko na rin ang paglalaro nito. Sa Roller Coaster Kingdom naman ako masyadong naadik, halos magdamag akong naka-online para pakainin ang mga trabahador ko sa perya. Pero nu'ng nagcheat 'yung kasama ko sa dorm at milya-milya na ang pagitan ng salapi at lebel naming dalawa, nawalan ako ng gana. Putsa, pinaghirapan ko 'yun tapos may mas madali palang paraan para magparami ng pera? Hindi ka pa pagpapawisan.


Tinalo ng Ded na si Lolo ang ilan sa mga pelikulang nag-iwan ng kasaysayan sa industriya ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng paghakot ng mga parangal tulad ng:
BALER. Ang Baler ay kalahok sa ika-34 na Metro Manila Film Festival noong nakaraang taon. Ang pelikulang ito ay halaw sa tunay na kaganapan sa kasaysayan ng bansa. Pinagbibidahan ito nina Anne Curtis, na nanalong Pinakamahusay na Pagganap ng Isang Pangunahing Aktres, at Jericho Rosales. Nakamit din ng produksyon ang Pinakamahusay na Pagganap ng Isang Pangunahing Aktor (Philip Salvador), Pinakamahusay na Direksyon (Mark Meily), Pinakamahusay na Dulang Pampelikula (Roy Iglesias), Pinakamahusay na Sinematograpiya (Lee Alejandro), Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon (Aped Santos), Pinakamahusay na Editing (Danny Romero) at Pinakamahusay na Pelikula. Nasungkit din nito ang ilang natatanging gantimpala tulad ng Gender Sensitive Award at Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award.
*Sa aking pananaw, ang Baler ang nararapat na maging kinatawan ng Pilipinas para sa nasabing patimpalak dahil bukod sa hulagway ito ng kasaysayan ng bansa, mahusay din ang pelikula sa lahat ng aspeto tulad ng direksyon, sinematograpiya at pagpili sa mga artista na gaganap.
JAY. Isa ring independent film ang Jay na kalahok sa ika-apat na Cinemalaya Film Festival 2008. Ito ang kauna-unahang pelikula na idinerehe ng baguhang direktor na si Francis Pasion. Tampok dito sina Baron Geisler na gumanap bilang baklang prodyuser, at tinanghal bilang Pinakamahusay na Pagganap ng Isang Pangunahing Aktor sa nasabing award-giving body at si Coco Martin na kamakaila'y tinanghal bilang Best Actor para sa pelikulang Serbis sa katatapos lang na ika-32 Gawad Urian.
*Ang paksang tinatalakay sa pelikulang ito ay lubhang sensitibo kaya naman ideyal na kinatawan subalit hindi tiyak kung magugustuhan ng mga hurado ang direksyon lalo na sa panahon ngayon kung kailan sinasabing ginintuang panahon ng mga independent films.
100. Kalahok din sa ika-apat na Cinemalaya Film Festival 2008 ang pelikulang 100 na pinagbibidahan nina Eugene Domingo, Tessie Tomas at Mylene Dizon (na nagwagi bilang Best Actress). Hinakot nito ang mga parangal sa Cinemalaya tuald ng Best Director (Chris Martinez); Best Screenplay (Chris Martinez); BestSupporting Actress (Eugene Domingo) at Audience Choice Award. Naging kinatawan din ng bansa ang pelikula sa mga pandaigdigang patimpalak tulad ng Festival du Film de Marrakech 2008 sa Morocco at ika-13 PUSAN International Film Festival sa South Korea. Naging Audience Choice Award din ito sa naganap na Korean New Network 2008.
*Mahusay din ang pagkakagawa ng pelikula ngunit hindi gaanong napansin nang maihanap sa mga pelikulang nauna nang nabanggit.


o niya ginawang masalimuot ang buhay ni Catherine Ramirez (Claudine Barreto) sa top-rating primetime series na Iisa Pa Lamang. Nasaksihan natin kung paano niya bitawan ang mga maaanghang na salita sa mga makapigil-hiningang eksena. Nagulat ang lahat nang ang dating aktres na tanging mapapanuod lamang sa mga youth-oriented anthology ay sumabak sa heavy drama program kung saan binigyan niya ng buhay ang papel ni Scarlett dela Rhea.
nunuod pa. Subalit sa pagkakataong ito, batid kong hindi ko pagsisisihan ang pagtapyas ko sa aking weekly allowance.
a ay kuwento ng kambal ni Luisito Cacanindin-Go Dong Hae - sina Kimmy at Dora. Ang kambal ay may magkaibang ugali at katayuan sa buhay. Si Kimmy ay matalino, dominante at arogante samantalang si Dora naman ay inosente, childish at sweet. Iikot ang istorya sa pagnanasa ni Kimmy na makuha ang malaking bahagi ng Go Dong Hae empire matapos niyang malaman na walumpung bahagdan nito ay ipapamana kay Dora ayon sa huling testaamento ng kanilang ama na nakaratay sa banig ng karamdaman.