Matagal din akong nahumaling sa paglalaro ng Pet Society, Restaurant City, Farmville, Roller Coaster Kingdom at Friends for Sale bago ko pa man madiskubre ang Geo Challenge. Panigurado akong alam niyo ang mga larong iyan dahil ilan lamang iyan sa mga aplikasyon ng Facebook na talaga namang patok sa taong walang magawa sa buhay.
Naaalala ko pa noon n


Medyo huli na nang maglaro ako ng Restaurant City. Kaya naman hindi ako nahumaling kasi tinamad na kong maglaro nu'ng nalaman kung anong lebel na ang mga kaibigan ko. Naisip kong hindi ko na rin naman sila nahahabol kaya wala ring silbi ang pagpapakaadik ko.
At ang Farm


Sa Friends for Sale, natutunan kong ibenta ang sarili ko. Matuto akong mamilit ng mga kaibigan para lamang tumaas ang halaga ko. Naisip ko rin: Kailan pa maaaring bilhin ang isang kaibigan? Minsan hindi ko pa kilala ang bumibili sa'kin. Pero okay lang basta tataas pa rin ang halaga mo. Sa kasalukuyan, umaabot na sa isandaang milyon ang halaga ko at hindi ako titigil hangga't hindi ko matapatan ang halaga ng mga kaibigan ko. Haha. :D

At ang Geo Challenge. Sa una ay nakornihan ako sa larong ito dahil sino ba naman ang maglalaro kung ang itatanong naman sa'yo ay mga watawat ng mga bansa, pangalan ng lungsod na ipinapakita sa mapa, eksaktong lokasyon ng mga siyudad sa buong daigdig at kung saan matatagpuan ang mga sikat na historikal na pook?
Subalit naging edukasyunal na aplikasyon para sa isang maritime student na tulad ko ang Geo Challenge. Lalo na ngayong may asignatura akong World Geography. Nakatulong ng husto ang mga aral na inihatid ng larong ito sa diskusyon at pagsagot sa mga pagsusulit. Naisip ko ring balang araw ay magagamit ko rin ang mga kaalamang napulot ko sa Geo Challenge kapag nasa barko na ako.
Kaya naman natuwa ako dahil wala akong maling sagot sa midterm exam namin sa World Geography. Ginamit ko ang Geo Challenge na kasangkapan para matuto ng sabjek sa masayang paraan.
Salamat sa pagbabasa. :D
No comments:
Post a Comment