Widget

Saan ang dream sex mo?

It was a forwarded message that triggered me to create this blog entry. Sige, i-Tagalog na lang natin. :)

UNA. Gusto ko nakapataas na lugar. Sa taas ng Pine tree. Parang TWILIGHT lang, 'yung ginawa nina Edward Cullen at Bella Swan. Nako, parang kapre nga lang.

PANGALAWA. Sa gitna ng basketball court. Di ba 'yun yung hardcore sex? Este hardcourt sex pala. Mala-GLEE kasi 'yun.

PANGATLO. Sa Library! Oo, syempre 'please observe silence' ang primary rule ng mga chief librarian kaya mute ang moaning. Masaya siguro 'yun. Mala-GOSSIP GIRL.

PANG-APAT. Sa malaking hawla. 'Yung limited lang 'yung space para ma-test ang creativity at resourcefulness ko at ng katalik ko. Mala-SHAKIRA.

PANGLIMA. Sa CR ng airplane. Hindi ko alam kung posible 'to pero gusto ko ring i-try. Hindi pa 'ko nakakasakay ng airplane. Siguro doble kang makakarating sa langit nun? 'Di ba? Mala-SNAKES ON THE PLANE.

PANG-ANIM. Sa talahiban sa tuktok ng talampas. Pwede ring malapit sa bangin. 'Yung parang sa UP ng Pixar.

PANGPITO. Sa loob ng umaandar na convertible car at midnight. Yahoo! Ang saya nun. Ang sarap... ng simoy ng hangin. Parang sa SCARY MOVIE lang.

May mga nakapanayam ako na nagbigay din ng kanilang mga kasagutan. May mga sumagot ng 'fire exit,' carpark,' at 'terrace on a rainy night' at iba pa? Ikaw, saan ba ang dream sex mo? E-mail it to Hulagway at Dalumat (ilovekuchi@gmail.com). Salamat. :D

On Ugly Yubin's tweet on Twitter and Jacqueline Bermejo's wall post on Facebook


"Sorry, the account you were headed to has been suspended due to strange activity."


This is the message popped out when I tried to browse the profile of a Korean (Ugly Yubin) on Twitter who posted a bad comment regarding the flood here in the Philippines. It has been a week since I received the very first forwarded message from my friend about this matter. It made me gnash my teeth in anger.


"I hope it keeps raining and die in floods like those Filipino monkeys."

This is an excerpt of the comment, which is peppered with grammatical errors. Good thing, Filipinos are grammarians and it was the first I noticed before I deleted the group message.

It is so unbecoming of a person. Just a couple of days before this issue, a stupid and selfish Filipina named Jacqueline Bermejo, who was in Dubai the time when Ondoy came in, wrote a wall post on Facebook saying "we deserve what happened."

The question is, are they real? What if these are just mockery or their account has been hacked by another user? Whatever the story behind these issues, the aftermath of the typhoon is too serious to make fun of.

Hooray, let us move on. Geeze

Matapos ang Mapaminsalang Lagim nina Ondoy at Pepeng: Ang Pagbangon ng Pilipinas

Ang pananalasa ng mga bagyong Ondoy (Ketsana) at Pepeng (Karma) ay nag-iwan ng malaking pinsala sa bansa. Tinatayang sampung bilyong piso ang halaga ng nawasak na agrikultura, ari-arian at imprastraktura samantalang umabot na sa 375 ang bilang ng mga namatay na tao. Nauna nang maghandog ng tulong sa iba't ibang paraan ang mga himpilan ng telebisyon, non-government organizations at ang Estados Unidos. Kung mayroon mang ginawa ang kasalukuyang gobyerno, hindi ko ito naramdaman.

Ayon sa Department of Agriculture, tinatayang 56% ng mga lalawigang nagsusuplay ng bigas sa bansa ang sinalanta ng dalawang bagyo na umaabot sa 650,000 tonelada ng palay. Samantala, 260,136 ektarya ng taniman ng palay ang binaha.

Base sa magkaibang ulat ng National Disaster Coordinating Council at DA, umaabot sa P6.776 bilyong halaga ng mga pananim at P3.41 bilyong halaga ng mga imprastraktura ang nasira.

Tagumpay ang mga isinagawang kampanya para sa donasyon ng dalawa sa higanteng television networks -- ang Sagip Kapamilya ng ABS-CBN at GMA Kapuso Foundation ng GMA-7. Libu-libong mga Pilipino ang nagprisinta para maging boluntir sa mga relief operations. Sa pakikipagtulungan ng Caritas-Manila, inilunsad naman ng SM Supermalls ang Operation Tulong Express at bukas pa rin para tumanggap ng anumang tulong o donasyon.

Sa katunayan, maging ang aking pamantasan sa tulong ng mga student organizations ay nagsagawa ng Operasyon Ondoy upang magbigay ng kaunting tulong sa mga estudyanteng nasalanta ng bagyong Ondoy. At ako naman ay tumulong sa Youth for Christ para maghatid ng kalinga sa Gawad Kalinga-Tatalon.

Hindi rin nagpahuli ang Estados Unidos sa paghahatid ng tulong sa Pilipinas. Noong ika-6 ng Oktubre, ipinasa ni Rep. Jackie Speier, kongresista ng ika-labindalawang distrito ng California, ang House Resolution 800 na naglalayong magbigay ng tulong sa pamamagitan ng "logistical, transportation at financial assistance" sa bansa. Nakatakda itong pagbotohan ng mababang kapulungan ang nasabing panukalang batas noong Miyerkules.

Ito ang tugon ng Estados Unidos sa Malacañang. Kamaikalan lamang, nanawagan ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga industriyalisadong bansa na magbigay ng anumang tulong at donasyon para sa mga lalawigang apektado pa rin ng matinding dulot ng mga bagyo lalung-lalo na ang mga nasa Hilagang Luzon tulad ng Baguio City, Pangasinan at Benguet.

Noong ika-7 ng Oktubre, inaprubahan ng Pangulo ang four-point demand-side liquidity strategy na nagkakahalaga ng 86 bilyong piso na isinulong ng kanyang economic adviser at gobernador ng Albay na si Joey Salceda na may layuning "to address the relief and rehabilitation concerns of the victims of Typhoons "Ondoy" and "Pepeng."

Maraming salamat sa mga taong may mabubuting tulad ni Speier. Maging sa pinagsama-samang lakas ng sambayanan na nagbigay ng kanilang tulong sa kahit anong paraan.

Nakakatuwang isipin na iminulat ng mga nagdaang mga kalamidad ang puso ng mga Pilipino sa pakikipagkawang-gawa. Likas sa atin ang pagiging mapagbigay at matulungin sa kapwa. Subalit kailangan pa ba ng ganti ng kalikasan para magising ang mga tao sa katotohanan?

Geo Challenge, edukasyunal na aplikasyon sa Facebook

Matagal din akong nahumaling sa paglalaro ng Pet Society, Restaurant City, Farmville, Roller Coaster Kingdom at Friends for Sale bago ko pa man madiskubre ang Geo Challenge. Panigurado akong alam niyo ang mga larong iyan dahil ilan lamang iyan sa mga aplikasyon ng Facebook na talaga namang patok sa taong walang magawa sa buhay.

Naaalala ko pa noon nu'ng nagta-trabaho ako sa Etelecare bilang customer service associate, kapag lunch break ay mabilis akong kumakain sa pantry para lamang maigugol ang mga nalalabing minuto sa Pet Society. At ang tangi kong ginagawa sa pet kong si Kuchi ay ang isapalaran ang naipundar niyang salapi sa Stadium kung saan lagi akong umuuwing luhaan. May mga pagkakataong ibenebenta ko pa ang kanyang mga kagamitan sa bahay para lamang may maipansugal. Eh paano naman kasi siya mabubuhay ng walang kalatoy-latoy ang disenyo ng bahay niya? Kaya naiisip kong magsugal sa karera. Malay mo palarin at maging instant interior designer ako ng bahay ni Kuchi.


Medyo huli na nang maglaro ako ng Restaurant City. Kaya naman hindi ako nahumaling kasi tinamad na kong maglaro nu'ng nalaman kung anong lebel na ang mga kaibigan ko. Naisip kong hindi ko na rin naman sila nahahabol kaya wala ring silbi ang pagpapakaadik ko.



At ang Farmville. At kailan ko pa pinangarap maging magsasaka? Nakakaasar lang kaya medyo itinigil ko na rin ang paglalaro nito. Sa Roller Coaster Kingdom naman ako masyadong naadik, halos magdamag akong naka-online para pakainin ang mga trabahador ko sa perya. Pero nu'ng nagcheat 'yung kasama ko sa dorm at milya-milya na ang pagitan ng salapi at lebel naming dalawa, nawalan ako ng gana. Putsa, pinaghirapan ko 'yun tapos may mas madali palang paraan para magparami ng pera? Hindi ka pa pagpapawisan.


Sa Friends for Sale, natutunan kong ibenta ang sarili ko. Matuto akong mamilit ng mga kaibigan para lamang tumaas ang halaga ko. Naisip ko rin: Kailan pa maaaring bilhin ang isang kaibigan? Minsan hindi ko pa kilala ang bumibili sa'kin. Pero okay lang basta tataas pa rin ang halaga mo. Sa kasalukuyan, umaabot na sa isandaang milyon ang halaga ko at hindi ako titigil hangga't hindi ko matapatan ang halaga ng mga kaibigan ko. Haha. :D


At ang Geo Challenge. Sa una ay nakornihan ako sa larong ito dahil sino ba naman ang maglalaro kung ang itatanong naman sa'yo ay mga watawat ng mga bansa, pangalan ng lungsod na ipinapakita sa mapa, eksaktong lokasyon ng mga siyudad sa buong daigdig at kung saan matatagpuan ang mga sikat na historikal na pook?

Subalit naging edukasyunal na aplikasyon para sa isang maritime student na tulad ko ang Geo Challenge. Lalo na ngayong may asignatura akong World Geography. Nakatulong ng husto ang mga aral na inihatid ng larong ito sa diskusyon at pagsagot sa mga pagsusulit. Naisip ko ring balang araw ay magagamit ko rin ang mga kaalamang napulot ko sa Geo Challenge kapag nasa barko na ako.

Kaya naman natuwa ako dahil wala akong maling sagot sa midterm exam namin sa World Geography. Ginamit ko ang Geo Challenge na kasangkapan para matuto ng sabjek sa masayang paraan.

Salamat sa pagbabasa. :D

Isang indie film, napiling kinatawan ng bansa para sa 82nd Oscars



Isang independent film ang napili ng Film Academy of the Philippines (FAP) na maging kinatawan ng Pilipinas para sa gaganaping iak-82 Academy Awards' best foreign language film category sa susunod na taon -- ang Ded na si Lolo ni Soxie H. Topacio.

Tinalo ng Ded na si Lolo ang ilan sa mga pelikulang nag-iwan ng kasaysayan sa industriya ng pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng paghakot ng mga parangal tulad ng:

BALER. Ang Baler ay kalahok sa ika-34 na Metro Manila Film Festival noong nakaraang taon. Ang pelikulang ito ay halaw sa tunay na kaganapan sa kasaysayan ng bansa. Pinagbibidahan ito nina Anne Curtis, na nanalong Pinakamahusay na Pagganap ng Isang Pangunahing Aktres, at Jericho Rosales. Nakamit din ng produksyon ang Pinakamahusay na Pagganap ng Isang Pangunahing Aktor (Philip Salvador), Pinakamahusay na Direksyon (Mark Meily), Pinakamahusay na Dulang Pampelikula (Roy Iglesias), Pinakamahusay na Sinematograpiya (Lee Alejandro), Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon (Aped Santos), Pinakamahusay na Editing (Danny Romero) at Pinakamahusay na Pelikula. Nasungkit din nito ang ilang natatanging gantimpala tulad ng Gender Sensitive Award at Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award.

*Sa aking pananaw, ang Baler ang nararapat na maging kinatawan ng Pilipinas para sa nasabing patimpalak dahil bukod sa hulagway ito ng kasaysayan ng bansa, mahusay din ang pelikula sa lahat ng aspeto tulad ng direksyon, sinematograpiya at pagpili sa mga artista na gaganap.

JAY. Isa ring independent film ang Jay na kalahok sa ika-apat na Cinemalaya Film Festival 2008. Ito ang kauna-unahang pelikula na idinerehe ng baguhang direktor na si Francis Pasion. Tampok dito sina Baron Geisler na gumanap bilang baklang prodyuser, at tinanghal bilang Pinakamahusay na Pagganap ng Isang Pangunahing Aktor sa nasabing award-giving body at si Coco Martin na kamakaila'y tinanghal bilang Best Actor para sa pelikulang Serbis sa katatapos lang na ika-32 Gawad Urian.

*Ang paksang tinatalakay sa pelikulang ito ay lubhang sensitibo kaya naman ideyal na kinatawan subalit hindi tiyak kung magugustuhan ng mga hurado ang direksyon lalo na sa panahon ngayon kung kailan sinasabing ginintuang panahon ng mga independent films.

100. Kalahok din sa ika-apat na Cinemalaya Film Festival 2008 ang pelikulang 100 na pinagbibidahan nina Eugene Domingo, Tessie Tomas at Mylene Dizon (na nagwagi bilang Best Actress). Hinakot nito ang mga parangal sa Cinemalaya tuald ng Best Director (Chris Martinez); Best Screenplay (Chris Martinez); BestSupporting Actress (Eugene Domingo) at Audience Choice Award. Naging kinatawan din ng bansa ang pelikula sa mga pandaigdigang patimpalak tulad ng Festival du Film de Marrakech 2008 sa Morocco at ika-13 PUSAN International Film Festival sa South Korea. Naging Audience Choice Award din ito sa naganap na Korean New Network 2008.

*Mahusay din ang pagkakagawa ng pelikula ngunit hindi gaanong napansin nang maihanap sa mga pelikulang nauna nang nabanggit.

MANILA. Ang pelikulang Manila ay handog ng mga direktor na sina Raya Martin at Adolfo Alix Jr. para kina Ishmael Bernal (Manila by Night) at Lino Brocka (Jaguar). Ginampanan ni Piolo Pascual ang dalawang magkaibang papel -- bilang William, isang binatang lulong sa droga na nais makita ang sarili at makihalubilo sa kapwa sa Day Segment, at bilang Philip, isang badigard ng anak na lalaki ng alkalde na nag-aakalang itinuring na siya ng mga ito bilang kasapi ng pamilya. Naipalabas ang pelikula sa buong mundo at naging kasapi ng ika-62 Cannes Film Festival sa France at naisama sa eksibit na pinamagatang Films Around The World sa ika-31 Moscow International Film Festival.
*Naging matunog ang pelikula dahil sa pagkakaganap ni Piolo Pascual at ang pag-aalay ng pelikula sa dalawang alamat sa industriya ng pelikulang Pilipino. Iyon lamang.

ADELA. Ang beteranang aktres na si Anita Linda ang pangunahing tauhan ng pelikulang Adela. Naging Best Actress siya ng FAMAS (dalawang beses), Gawad Urian, Young Critics Circle at Gawad Tanglaw. Isa ang Adela sa mga pelikulang kalahok para sa ContemporAsian na gaganapin sa Museo ng Modernong Sining (Museum of the Modern Art) sa New York. Naging kinatawan din ang pelikula sa mga prestihiyosong patimpalak sa Toronto, Pusan, Rotterdam at Moscow.

*Tiyak na maantig ang damdamin mo sa paraan ng pagkakaganap ng beteranang aktres na si Anita Linda ng pangunahing tauhan. Para sa akin, ito ay ikalawa sa Baler.

PBA09spqr315

Michael V, tinanghal na best actor sa 1st MTRCB Awards

Si Michael V bilang si Yaya

"For me, you're such a winner," ito ang linyang binitiwan ng komedyanteng si Michael V sa hindi niya inaasahang pagkapanalo bilang Best Actor sa ginanap na gabi ng parangal ng kauna-unahang Movies and Television Review and Classification Board (MTRCB) Awards sa Gateway Cinema 5 noong ika-4 ng Setyembre.

Si Michael V ang creative director ng mga nakakatawang programa sa telebisyon na "Bitoy's Funniest Videos" at "Bubble Gang" na talaga namang humahataw sa TV ratings.

Matagal ko nang idolo si Michael V sa larangan ng komedya kahit pa man isa akong Kapamilya. Lalo na kapag ginagampanan niya ang papel bilang Yaya sa spoof segment na "Ang Spoiled" ng Bubble Gang kasama si Ogie Alcasid. Higit pa akong humanga sa natatanging talento niya na kung saan ay nag-iiba siya ng katauhan. Pinasikat niya rin ang maraming awitin tulad ng Mas Mahal na Kita Ngayon at Hindi Ako Bakla. Likas sa kanya ang pagpapatawa kaya naman patok sa panlasa ng masa.

Bumalik tayo sa 1st MTRCB Awards.

Tulad ng pagkakapili kay Michael V, hindi rin inaasahan ang mga artista at programang tinanghal dahil very well-distributed ang mga parangal mula sa mga himpilan ng telebisyon tulad ng ABS-CBN, GMA7, QTV at TV5.

Nanalong Best News Program ang Balitanghali ng QTV. Nakakagulat ang hindi pagkapili ng TV Patrol (ABS-CBN) at 24 Oras (GMA7) na matagal na sa larangan ng pamamahayag.

I-Witness (GMA7) ang nagwaging Best Public Affairs Show. Well-deserved. Matagal na rin akong napapahanga sa mga dokyumentaryong ineere ng programang ito. Kakaiba at ang mga paksa ay hindi karaniwang nasasaling ng mga direktor.


Best Education Show ang Sineskwela. Wala nang iba pa.

Nasungkit ng Mustard TV ng TV5 ang Best Children's Show. Magandang simula para sa isang baguhang TV network.

Bago pa man tanghalin bilang Best Reality Show ng MTRCB Awards, umani na ng mga parangal at pagkilala ang I-Survived ni Ces Oreña-Drilon ng ABS-CBN. Kaya naman hindi na ako nagtaka pa dahil napanuod ko naman ito.

Usap-usapan na rin ng bayan ang programa ng TV5 na Talentadong Pinoy hosted by Ryan Agoncillo at ito ang nagwaging Best Talent Show. Saludo rin ako sa pamunuan ng palabas na ito dahil sa matapang na pagsabak sa primetime ratings kung saan katapat ng programa ang ilan sa top-rating programs na nakalineup sa ABS-CBN at GMA -- ang Bitoy's Funniest Videos at Maalaala Mo Kaya: Ang Tahanan Mo.

Hindi ako sang-ayon sa pagkapili ng Wow Mali (TV5) bilang Best Comedy Show. Dahil para sa akin, ang Banana Split (ABS-CBN), Goin' Bulilit (ABS-CBN) at Bubble Gang (GMA7) ang mas nararapat para sa parangal na ito.

Best Drama Special ang episode na Butch ng Obra (GMA7) kung saan nagulat din ako sa desisyon dahil palagi akong nanunuod ng mga episodes ng MMK at sadyang nangingilabot lamang ako makabagbag-damdaming mga tagpo at eksena.

Kahit Isang Saglit (ABS-CBN) na pinagbibidahan ni Jericho Rosales at Carmen Soo ang nagwagi bilang Best Teleserye. Para sa akin, Tayong Dalawa ang mas deserving. Haha. (PS Paborito ko kasi sina KIM at GERALD.)

Iginawad kay Bea Alonzo (Betty La Fea, ABS-CBN) ang Best Actress. Samantala, si Edu Manzano (Pilipinas GKNB?, ABS-CBN) at Jessica Soho (Kapuso Mo, Jessica Soho, GMA7) ang nakapag-uwi ng mga parangal bilang Best Hosts.

Nabigyan din ng natatanging parangal ang May Bukas Pa para sa Special Award for Promoting Moral Values.